Aaray na naman ang bayang motorista.
Ayon kasi sa kumpanyang UniOil, dapat na umano asahan bukas ang panibagong taas-presyo sa singil ng mga produktong petrolyo.
Base sa forecast ng naturang kumpanya, posibleng tumaas ng ₱0.40 hanggang ₱0.60 centavos per liter ang produktong diesel. Habang nasa ₱0.50 to ₱0.70 centavos per liter naman ang inaasahang idadagdag sa gasolina.
Una nang sinabi ng Department of Energy nitong nakaraang linggo, na ang nasabing paggalaw ay bunsod ng tumitinding tensyon sa Gitnang Silangan.
Nakadagdag din sa nasabing paggalaw ng presyuhan ng produktong petrolyo ay ang mga sanctions laban sa Iran at Russia. | ulat ni Lorenz Tanjoco