Maituturing ni Philippine Coast Guard Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela na pinakadelikado ang ginawang pangha-harass ng China People’s Liberation Army Navy Helicopter sa BFAR aircraft sa Philippine air space sa Bajo de Masinloc kahapon, February 18.
Ayon kay Tarriela, isang maliit na pagkakamali lang ay posibleng disaster ang mangyari.
Dumikit kasi ng 3 meter ang People’s Liberation Army Navy helicopter ng china sa BFAR aircraft.
Paliwanag nito, may pwersang tumutulak pababa sa eroplano ng BFAR noong nasa itaas na kaliwang bahagi ang helicopter ng China.
Dahil dito, nahihirapan ang piloto ng BFAR na ma-stabilized ang eroplano.
Tumagal ng higit sa 40 minuto ang pagbuntot ng helicopter ng China sa eroplano ng BFAR.
Sandali lang aniya ang ginawang dangerous maneuvers pero sapat na ito para malagay sa peligro ang buhay ng nakasakay sa eroplano. | ulat ni DK Zarate