Suportado ng Bagong Henerasyon Party-list ang desisyon ng Commission on Elections (COMELEC) na ipatupad ang 10-day ban sa pamamahagi ng ayuda bago ang araw ng halalan.
Ginawa ng partido ang pahayag matapos ipagbawal ng COMELEC ang pagbibigay ng ayuda gaya ng 4Ps, AICS, Tupad at iba pa.
Ayon sa grupo, ito ay isang patas na patakaran na dapat sundin ng lahat ng kandidato upang mapanatili ang integridad ng halalan.
Ayon kay BH Rep. Bernadette Hererra na ang nasabing hakbang ay nagbibigay-galang sa dignidad ng mga botante at naglalayong maiwasan ang anumang alegasyon ng vote-buying sa mga lehitimong ayuda programs ng pamahalaan.
“Dapat ipatupad ang patakarang ito tuwing malapit na ang eleksyon upang mapanatili ang kredibilidad ng proseso ng pagboto,” pahayag ng Bagong Henerasyon Party-list.
Saludo ang partido wq desisyon ng poll body upang tiyaking patas at malinis ang eleksyon sa May 12. | ulat ni Melany Reyes