Hindi pa rin umaalis ang China Coast Guard (CCG) 3304 sa 105 nautical miles off coast ng Zambales, base sa pinakahuling kumpirmasyon ng Philippine Coast Guard (PCG) ngayong araw.
Sa video na kuha noong Febuary 6 ng umaga, nagsagawa ng radio challenge ang PCG sa China Coast Guard vessels 3304.
Iginiit ng PCG ang Philippine Maritime Zone Act, United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), at 2016 Arbitral Award kasabay ng paglalayag ng China Coast Guard sa ating karagatan.
Ayon kay PCG Spokesperson on West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, bukod sa 3304 dalawang sasakyang pandagat ng China pa ang kanilang binabantayan.
Kabilang na dito ang monster ship ng China, at CCG 5901 sa Bajo de Masinloc.
Aminado si Commodore Tarriela, na hindi sapat ang bilang ng ating kagamitan para bantayan ang kilos ng Chinese vessels pero nagagawan pa rin nila ito ng paraan, sa pamamagitan ng istratihikong pagpaplano.
Una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na lamang ang China sa bilang at lagi.
Dahil dito muling umapela ang PCG sa mga law maker na palakasin at pondohan ang ating pwersa sa karagatan. | ulat ni Don King Zarate