Pumalo na sa P17.74 milyon ang halaga ng pinsala sa agrikultura dahil sa epekto ng Shear Line at iba pang weather disturbances sa bansa.
Sa ulat ng Department of Agriculture – DRRM Operation Center, lubhang naapektuhan ng sama ng panahon ang ilang lugar sa MIMAROPA at Eastern Visayas Regions.
Pawang mga pananim na palay, kamoteng kahoy, high-value crops, livestock, at poultry ang lubhang naapektuhan.
Nasa 452 metric tons ng produktong agrikultura ang hindi na napakinabangan.
Dahil dito, abot na sa 1,110 magsasaka at 1,019 ektarya ng lupang agrikultura ang apektado.
Tiniyak naman ng DA na may mga nakahanda na silang interbensyon na makakatulong sa mga magsasaka. | ulat ni Rey Ferrer