Palalakasin ng Philippine Navy at Japan Maritime Self-Defense Force ang kanilang kooperasyon sa pamamagitan ng pagpapahusay sa interoperability at logistics support.
Ito ay matapos bumisita si Rear Admiral Naoya Hoshi, Director General ng Logistics Department ng Japan Maritime Self-Defense Force, kay Vice Admiral Jose Ma. Ambrosio Ezpeleta, Flag Officer in Command ng Philippine Navy, sa Navy Headquarters sa Maynila.
Tinalakay din sa pulong ang pag-aaral sa temporary repair capabilities ng mga barko ng Japan Maritime Self-Defense Force sa mga pribadong shipyard sa bansa.
Ayon sa Philippine Navy, ang naturang pagbisita ay lalo pang magpapalakas ng ugnayan ng dalawang bansa para sa maritime security at operational readiness, na layong mapanatili ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon. | ulat ni Diane Lear