Bilang pakikiisa sa araw ng mga puso naglabas ng special stamps ang Philippine Postal Corporation.
Inilunsad ang special stamp sa Atrium Lucky China town, Manila City ngayong araw.
Tampok dito ang pilipino food culture na perfect match tulad ng “ kape at pandesal, puto at dinuguan, tuyo at champorado, icecream at monay.
Ayon kay PHLpost postmaster General Luis Carlos ang pagpapadala ng regalo at sulat ay isang taos pusong paraan ng pag papakita ng pagmamahal.
Sa bawat liham na pinapadala ng Phlpost ay dala ang kwento ng pag ibig, alaala at pagkakaisa.
Sa kabila ng pag unlad ng teknolohiya nananatili ang phlpost sa pagpapalaganap ng komunikasyon sa buong bansa.
Aabot sa 10,000 special stamps na perfect match ang inilabas ng PHLpost ngayong 2025 valentines day. | ulat ni Don King Zarate