
Patuloy ang matibay na ugnayan ng Pilipinas at Australia bilang strategic partners upang protektahan ang mga lehitimong biyahero at palakasin ang seguridad sa ating mga border.
Sa pakikipagtulungan ng Bureau of Immigration (BI), nagsagawa ng pagsasanay ang Australian Home Affairs para sa mga Anti-Fraud Officers ng bansa. Layunin nitong pahusayin ang kanilang kakayahan sa pagsusuri ng mga dokumento gamit ang Video Spectral Comparator (VSC) technology upang matukoy ang mga pekeng papeles at iba pang pandarayang ginagawa sa mga dokumento.
Bukod dito, nagsagawa rin ang Australian Border Force ng isang masterclass para sa ating border at coast guard officials. Tinuruan sila kung paano bumuo at magpatupad ng epektibong training programs upang mapaigting ang seguridad sa ating teritoryo.
Ayon sa Embahada ng Australia sa Pilipinas, magpapatuloy umano ang pagtutulungan ng kapwa bansa para sa isang ligtas at maunlad na rehiyon. | ulat ni EJ Lazaro
Australian Embassy in the Philippines