Nagkasundo ang pork producers, traders at retailers na i-review ang kanilang gastusin para mabawasan ang presyo ng karne ng baboy.
Pahayag ito ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., matapos ang consultative meeting sa mga stakeholder.
Sinabi ng kalihim, na ang mataas na presyo ng baboy ay maikukonsiderang panandaliang isyu na maaaring matugunan sa mga darating na araw.
Partikular na kapag mayroon nang commercial vaccine para sa African Swine Fever (ASF).
Umaasa ang Bureau of Animal Industry, na ang positibong resulta ng ASF vaccine ang magkukumbinsi sa Food and Drug Administration para payagan ang commercial na paggamit nito.
Nagpatawag ng pulong ang DA upang matukoy ang mga dahilan sa pagtaas ng presyo ng baboy, at ma-assess kung kailangang magtakda at magpatupad ng Maximum Suggested Retail Price (MSRP) para sa kapakanan ng mga consumer. | ulat ni Rey Ferrer