Pursigido ang Quezon City Health Department na itaas ang kamalayaan ng publiko para mabigyan ng sapat na kaalaman tungkol sa dengue.



Tugon ito ng Health Department sa patuloy na paglobo ng kaso ng dengue sa Quezon City.
Sa ngayon, pinapalawak na ang dengue forums sa iba’t ibang barangay at paaralan.
Bukod pa dito ang isinasagawang fogging operations, mga community clean-up drive sa ibang ibang lugar upang puksain ang lamok.
Panawagan pa ng pamahalaang lungsod sa mga residente na makibahagi sa mga hakbang na ito upang maprotektahan ang kanilang pamilya at masiguro ang isang dengue-free na Quezon City.
Mula Enero hanggang Pebrero 20 ngayong taon, may 11 na ang namatay sa dengue at lumobo na sa 2,269 ang kabuuang kaso sa lungsod. | ulat ni Rey Ferrer