Umaasa si Deputy Majority Leader Franz Pumaren na matatapos ni bagong Transportation Secretary Vince Dizon ang mga hangarin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa imprastraktura.
Ayon kay Pumaren, inaasahan niya ang mabilis na pagsasagawa ng transport projects, partikular na ang Metro Manila Subway upang mabawasan ang masikip na daloy ng trapiko.
Sang-ayon si Pumaren na kailangan ngayon ng isang “decisive leadership” upang i-fast track ang modern transport solutions.
Kinilala naman ng mambabatas ang ipinamalas na trabaho ni outgoing DOTr Secretary Jaime Bautista, kung saan pinaghusay nito ang air, land, at sea transport.
Kumpiyansa si Pumaren na ipagpapatuloy ni Dizon ang mga nasimulan ni Bautista, na nagbitiw sa puwesto upang pagtuunan ang kanyang kalusugan. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes