Para kina reelectionist senators Imee Marcos at Francis Tolentino, biro lang maituturing ang pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa pagpatay sa 25 senador para magkapiwang sa mga ineendorso niyang kandidato.
Ayon kay Senadora Imee, bahagi lang ito ng trashtalk ni Duterte.
Hindi rin aniya natatakot ang senadora sa kill joke ng dating pangulo dahil naniniwala siyang “live” naman siya nito.
Si Majority Leader Tolentino naman ay nagsabing, batay sa konteksto ng mga dating pahayag ni Duterte, joke lang ang naturang pahayag.
Pinapaubaya na rin ng senador sa mga kinauukulan ang pagtukoy kung may criminal offense bang nagawa ang dating pangulo sa mga pahayag nito.
Maaaring bahagi aniya ng mandato ng PNP-CIDG ang ginawa nitong pag-endorso sa DOJ upang masampahan ng kasong unlawful utterances at inciting to sedition si Duterte. | ulat ni Nimfa Asuncion