Welcome para kay Speaker Martin Romualdez ang inisyatiba ng Department of Agriculture (DA) na itakda sa P35 kada kilo ang bentahan ng NFA rice para sa food security.
Ngunit kailangan din aniyang masiguro ng pamahalaan na may patas at sapat na kita naman ang mga magsasaka, para maipagpatuloy ang local rice production.
“Ensuring that rice remains affordable is crucial for our consumers. However, we must also ensure that our farmers receive fair compensation for their hard work,” saad niya.
Mahalaga ayon sa lider ng Kamara na balansehin ang kapakanan ng mga consumer at magsasaka.
Mas maigi aniya sana, na mapanatili ang mataas na farmgate price na nagbibigay ng tamang kita para sa mga magsasaka habang sinisiguro na ang presyo ng bigas sa merkado ay abot-kaya para sa mga mamimili.
Nangako rin ang House Speaker, na patuloy na babantayan ang naturang polisiya at tutukoy ng kinakailangang intervention kung kakailanganin, para matiyak na walang sektor ang mapapabayaan.
Nakahanda rin aniya ang Mababang Kapulungan, na pag-aralan ang posibleng subsidiya o targeted assistance programs para matiyak na hindi malulugi ang ating mga magsasaka, habang nananatiling abot-kaya ang bigas para sa publiko.
“I urge the Department of Agriculture and the National Food Authority to work closely with Congress to ensure that this policy does not unintentionally discourage local rice production..The end goal is food security – one that benefits both farmers and consumers,” saad pa niya. | ulat ni