Malaki ang tiwala ni Ways ang Means Committee Chair Joey Salceda na magagampanan nang mabuti ni Vince Dizon ang pagiging bagong kalihim ng Departmemt of Transportation.
Giit ni Salceda, kung mayroon kang trabaho na gustong matapos, kaya ito gawin ni Dizon.
Nakatrabaho na aniya niya si Dizon noong kasagsagan ng pandemiya at naging katuwang sa pagsusulong sa maraming tax reforms.
Kumpiyansa rin aniya siya na mabilis lang lulusot ang kaniyang appointment sa Commission on Appointments.
“When you need a job done, you hire Vince and the job gets done. I am sure he will bury himself in the work of the DOTr immediately. I am also certain of quick confirmation by the CA,” sabi ni Salceda.
Malaki naman ang pasasalamat ng mambabatas kay dating DOTr Sec. Jaime Bautista at umaasa siyang maging maayos na ang kaniyang kalusugan. | ulat ni Kathleen Forbes