
Nagsagawa ng rescue operation ang Naval Forces Northern Luzon sa isang South Korean passenger vessel matapos itong magka-aberya sa karagatan ng Burgos, Ilocos Norte.
Ayon sa Philippine Navy, agad na rumesponde ang BRP Nestor Reinoso matapos matanggap ang emergency alert mula sa UDOSARANG 1 bandang 9:00 AM noong February 5.
Ang insidente ay na-monitor ng Maritime Situation Awareness Center – North at Naval Monitoring Detachment Pasuquin ang sitwasyon ng barko, na hindi na makagalaw nang maayos dahil sa teknikal na problema.
Dahil dito, agad na nakipag-ugnayan ang BRP Nestor Reinoso sa naturang sasakyang-pandagat at ligtas itong naihatid patungong Sual, Pangasinan para sa kinakailangang pagkukumpuni.
Ligtas naman ang siyam na Filipino crew members ng UDOSARANG 1 at walang naiulat na iba pang aberya. | ulat ni Diane Lear
PH Navy