Naninindigan si Senate President Chiz Escudero na ilegal na mag-convene ang Senado bilang impeachment court habang naka-break ang sesyon ng Kongreso.
Ito ay sa gitna ng mga panawagan sa Senado na agad-agad nang buuin ang impeachment court at simulan ang paglilitis laban kay Vice President Sara Duterte.
Pinaliwanag ni Escudero, batay sa nakasaad sa Konstitusyon at sa kanilang rules, dapat munang mai-refer sa gitna ng plenary session ang articles of impeachment na inakyat ng Kamara bago magdaos ng trial.
Sa sesyon rin aniya manunumpa ang mga senador bilang senator-judges.
Giniit rin ng Senate President na nag-iingat silang gawin ang impeachment proceedings.
Baka kasi aniya kapag minadali nila ito ay magkaroon pa ng butas para ma-delay o mabasura ang kaso. | ulat ni Nimfa Asuncion