Nangako si House Speaker Martin Romualdez na tutulong para makamit ang tuloy-tuloy na progreso ng Aurora dahil wala aniya dapat lalawigan ang maiiwan sa pag-unlad.
Ginawa ito ng lider ng Kamara sa kaniyang pakikibahagi sa 46th Founding Anniversary ng lalawigan ng Aurora at 137th Birth Anniversary ni Doña Aurora Aragon-Quezon.
“As Speaker of the House, I stand before you not to make promises, but to make a commitment. Walang maiiwan. Aurora will not be left behind,” giit niya.
Sabi ng House leader, pagtutulungan ng pamahalaan na magkaroon ng mas maayos na kalsada ang probinsya para mapabilis ang pagbiyahe ng mga ani at produkto patungo sa merkado, maggkaroon ng dagdag na mga eskuwelahan at scholarahip at mas maayos na healthcare service.
Kasabay nito ay kinilala rin ni Romualdez ang kontribusyon ng lalawigan sa bansa ang legasiya ni Doña Aurora Aragon-Quezon.
Diin niya na sa dami ng ambag ng probinsya sa bayan ay marapat lang na masuklian din ito ng higit pa. | ulat ni Kathleen Forbes