Ikinalugod ni Speaker Martin Romualdez ang tuluyang pagkakaalis ng Pilipinas mula sa Financial Action Task Force (FATF) na dirty money grey list.
Ayon sa lider ng Kamara, naging posible ito dahil sa masigasig na pamumuno ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ipinapakita rin aniya nito ang commitment ng Pilipinas sa financial integrity at transparency.
“The Philippines’ exit from the FATF grey list is a monumental victory for our economy and a resounding testament to our collective resolve to uphold the highest standards of financial governance.
It restores global confidence in our financial institutions and opens the floodgates for greater investments, economic growth, and international partnerships,”
Matatandaan na noong June 2021, napasama ang Pilipinas sa naturang grey list.
2023 naman nang ilabas ng Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. ang Executive Order 33 na maglalatag ng roadmap para makatalima ang Pilipinas sa FATF action plan.
Dahil naman sa makasaysayang yugto na ito, mas magiging madali na ang transakyon ng mga OFW lalo na sa aniay sa pagpapadala ng remittances.
“By restoring our standing in the global financial community, we are removing burdensome restrictions, reducing transaction costs, and allowing financial flows to move more efficiently. This is particularly good news for our OFWs, whose hard-earned remittances will now be processed faster and with lower fees,” ani Speaker Romualdez.
Pagdating naman sa sektor ng pagnenegosyo, tiyak aniya na mapapalakas nito ang tiwala ng mga mamumuhunan, makaka engganyo ng mas maraming foreign direct investment (FDI), at mapapaigting ang relasyong pangkalakalan natin bilang premyadong economic hub sa rehiyon.
Nangako naman si Romualdez na patuloy na kikilos ang Kamara at magsusulong ng legislative reforms upang mapalakas ang anti-money laundering at counter-terrorism financing frameworks ng bansa, na pawang pangunahing kondisyon para maalis ang Pilipinas sa listahan.
“We in the House worked closely with the Executive Branch, the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), the Anti-Money Laundering Council (AMLC), and other key institutions to pass and implement crucial financial measures that paved the way for this success. The House of Representatives will continue to champion reforms that secure our financial future and bring prosperity to every Filipino,” diin ni Speaker Romualdez. | ulat ni Kathleen Forbes