Idineklara nang fire under control ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sunog na sumiklab sa isang bodega ng plastic at electrical products sa Malaya Street, Purok 7, Barangay Malanday, Marikina City.
Ayon sa BFP, isa ang naitalang nagtamo ng first degree burn sa ibabang bahagi ng katawan pero dinala na ito sa ospital.
Naging pahirapan ang pag-apula sa sunog kung saan kinailangan pang gumamit ng mga bumbero ng ladder fire truck upang matumbok ang apoy.
Sa ngayon, patuloy pang inaalam ng mga awtoridad kung ano ang sanhi ng sunog at kung magkano ang halaga ng pinsala sa mga ari-arian. | ulat ni Diane Lear