Itinaas na sa ikatlong alarma ang sunog sa isang warehouse sa Malaya Street, Purok 7, Barangay Malanday, Marikina City.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), naiulat ang sunog bandang 11:20 AM at agad idineklara ang unang alarma bandang 11:24 AM.
Mabilis na lumaki ang apoy, kaya idineklara ang ikalawang alarma pagsapit ng 11:32 AM, at ang ikatlong alarma ay idineklara ng 11:52 AM.
Umabot na sa 10 firetrucks mula sa Marikina, Pasig, at Quezon City ang rumesponde upang apulahin ang sunog.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang sanhi ng sunog.
Sa ngayon, wala pang naiulat na nasaktan o nasawi sa insidente. | ulat ni Diane Lear