Kinumpirma ng pamahalaang Lungsod ng Makati na bukas na ang application para sa SPES o Special Program for Employment of Students under Private Sector ng Makati Public Employment Service Office (PESO).
Ayon sa Makati LGU, maaaring magtungo sa kanilang Facebook page para makita ang link kung saan magre-register.
Paalala na siguraduhing š¯—§š¯—”š¯— š¯—” ang mga ilalagay na impormasyon para sa mabilis na proseso.
Maghintay ng update sa kanilang ibinigay na numero at i-check ang kanilang registered email para sa schedule ng initial screening.
Para sa mga katanungan, tumawag lamang sa (02) 8870-1230. | ulat ni Lorenz Tanjoco
