“Bigest fiction and lie.”
Ganito isalarawan ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang 10-dash line claim ng China sa buong South China Sea kabilang na ang West Philippine Sea.
Sa kaniyang pagdalo sa ika-49 na anibersaryo ng Western Command sa Palawan, sinabi ni Teodoro na walang bansa sa ASEAN ang kumikilala sa naturang claim ng China.
Kaya naman mahalaga ayon sa kalihim na mapatibay ang ugnayan ng Pilipinas sa mga kaalyadong bansa gaya ng Japan, Amerika, at ng buong ASEAN upang mapanatili ang anito’y rules-based international order. | ulat ni Jaymark Dagala