Welcome sa National Irrigation Administration (NIA) ang pag-apruba ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board sa dalawang proyekto ng ahensya.
Kabilang dito ang ₱13.948-B Tumauini River Multipurpose Project (TRMP) sa Isabela at ang ₱18.182-B Tarlac Balog-Balog Multipurpose Project Phase II (BBMP-II) extension.
Layon ng proyekto sa Region 2 na magbigay ng patuloy na patubig sa 8,200 ektaryang sakahan na mapapakinabangan ng 5,860 magsasaka sa mga bayan ng Cabagan, Ilagan, at Tumauini.
Kasama sa proyekto ang pagtatayo ng bagong dam at reservoir, pagpapabuti at pagpapalawak ng mga pasilidad sa irigasyon, pagpapalakas ng mga samahan ng mga magsasaka (IAs), at pagpapakilala ng agro-tourism.
Samantala, sa ilalim ng aprubadong BBMP-II, magtatayo ng dam at reservoir na magpapadaloy ng tubig sa 34,410 ektaryang sakahan kapag ito ay ganap nang operational.
Inaasahang makikinabang dito ang 21,776 magsasaka at kanilang mga pamilya. | ulat ni Merry Ann Bastasa