Asahan na ang mas mabilis na biyahe sa EDSA busway ayon sa Department of Transportation (DOTr).
Ito’y dahil sa naisaayos na ang 23 timers sa iba’t ibang istasyon ng EDSA Bus Carousel.
Layon nito ayon sa DOTr na matiyak ang tuloy-tuloy na daloy ng mga bus at para sa mas mabilis na biyahe ng mga pasahero.
Nabatid na naipatupad ang agarang aksyong ito isang linggo matapos mag-inspeksyon si Secretary Vince Dizon sa busway.
Nakapagtalaga na rin ng mga enforcer sa bawat istasyon para masiguro ang mabilis na biyahe ng mga bus. | ulat ni Jaymark Dagala