Inaasahan pa rin ng PAGASA ang mas tataas na temperatura gayundin ang heat index o alinsangan sa katawan sa ilang lugar sa bansa ngayong araw.
Base sa heat index forecast ng PAGASA-DOST, kabilang sa mga posibleng makaranas ng hanggang 42-43°C o ‘dangerous level’ na heat index ang apat na lalawigan sa bansa.
Kabilang dito ang San Jose, Occidental Mindoro; Virac, Catanduanes; Masbate at Pili, Camarines Sur.
Kahapon, naitala rin ang pinakamataas na alinsangan sa Occidental Mindoro at Camarines Sur.
Dito naman sa Metro Manila, posibleng umabot sa hanggang 39°C ang pinakamataas na heat index. | ulat ni Merry Ann Bastasa