Binuksan na ang Felina Lanuza Super Health Center sa Sta. Cruz, Maynila.

Ito ay kumpleto sa surgical room, vaccine ref, at walk-in chiller.



Nagkakahalaga ang nasabing super health center ng P45,024,912.46.
Ayon sa lokal na pamahalaan, limang super health center na ang kanilang napatayo sa lungsod.


Natuto na aniya sila noong pandemic.
Dapat mas malakas ang primary health center facilities para may tutulong sa mga Manileño kung sakaling mag-lockdown o mapuno na ang mga ospital. | ulat ni Don King Zarate

