Pinagpapaliwanag ng Commission on Elections ang 6 na kandidatong senador at 34 na party-list group dahil sa pagpapaskil ng mga campaign material sa mga ipinagbabawal na lugar.
Ayon kay COMELEC spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, dapat patunayan ng mga kandidato na hindi sila dapat masampahan ng kasong kriminal o paglabag sa Fair Elections Act.
Kapag lumabag sa nasabing batas, isa hanggang anim na taong pagkakakulong ang maaaring ipataw sa kandidato, mawawalan ito ng karapatang bumoto, maaaring patawan ng perpetual disqualification to hold public office, at posibleng humantong sa diskwalipikasyon.
Kinumpirma ng COMELEC na may ilang nagbigay na ng paliwanag at kasalukuyang pinag-aaralan kung itutuloy ang kaso.
Babala ni Laudiangco, nagpapatuloy pa rin ang Operation Baklas ng komisyon sa buong bansa dahil sa naglipanang mga campaign poster na nakapaskil sa ipinagbabawal na mga lugar. | ulat ni DK Zarate