Nagpaalala ang Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) sa publiko hinggil sa hindi awtorisadong pagbebenta ng signal jamming device sa merkado.
Ito ang tinuran ng ACG, kasunod ng pagkakaaresto ng walong indibiduwal na sangkot sa iligal na pagbebenta ng nasabing kagamitan online sa ikinasang entrapment operations nito.

Ayon kay PNP-ACG Director, Police Brig. Gen. Bernard Yang, nag-ugat ang operasyon matapos ang isinagawa nilang Cyber Patrolling kung saan, nabisto ang iligal na pagbebenta ng nasabing kagamitan na nagkakahalaga ng ₱3,000 hanggang ₱50,000.
Depende aniya ito sa range o lawak ng saklaw ng jamming gayundin sa kakayahan ng kagamitan na mag-block o mag-disable ng GPS signal.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, hinahango ng mga naaresto ang mga signal jamming device sa isang foreign online shopping platform.
Paglabag naman sa Cybercrime Prevention Act at Philippine Radio Control Law ang kinahaharap ng mga naaresto. | ulat ni Jaymark Dagala
