Mariing itinanggi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang lumalabas na pahayag sa social media ng China na inaangkin nito ang lalawigan ng Palawan.
Sa pulong balitaan sa Kampo Aguinaldo, sinabi ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad na walang legal na batayan ang ganitong mga pahayag.
Dagdag ni Trinidad, bahagi ito ng mas malawak na “information warfare” na layong baguhin ang pananaw ng mga Pilipino tungkol sa West Philippine Sea.
Ginagamit umano ng China ang misinformation upang linlangin ang mamamayan.
Pakinggan natin ang tinig ni Rear Admiral Roy Vincent Trinidad
Hinimok naman ni Trinidad ang publiko na huwag basta maniwala sa mga mapanlinlang na impormasyon, lalo na’t bahagi nga ito ng tinatawag na “malign influence” na ginagamit upang manipulahin ang opinyon ng mga Pilipino. | ulat ni Diane Lear