Nagbabala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa mga grupong nagkakalat ng maling impormasyon upang sirain ang tiwala at pahinain ang chain of command ng militar.
Sa pulong balitaan sa Kampo Aguinaldo, sinabi ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, Rear Admiral Roy Vincent Trinidad na may mga domestic at foreign group na gumagamit ng disinformation, misinformation, malinformation para guluhin ang AFP.
Binigyang-diin ni Trinidad na sa ganitong panahon, mahalagang manatiling matatag at buo ang hanay ng militar.
Tiniyak niyang patuloy na magiging propesyonal ang AFP at nakahanda itong tugunan ang anumang banta na maaaring makaapekto sa seguridad ng Pilipinas.
Sa kabila ng ingay sa pulitika, nananatiling committed ang AFP na tuparin ang mandato nitong ipagtanggol ang bansa laban sa anumang panganib. | ulat ni Diane Lear