Iginiit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na illegal at walang basehan ang 10 dash line claim ng China sa South China Sea kabilang na ang West Philippine Sea.
Sa pulong balitaan sa Kampo Aguinaldo, sinabi ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, RAdm. Roy Vincent Trinidad, maituturing na biro at katawa-tawa ang claim ng China.
Ayon kay Trinidad, ginagawa lamang ito ng China para aliwin ang Chinese Communist Party gayundin ang ilang Pilipino at iba pang mga banyaga na pumapanig dito
Una nang tinawag ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang pahayag na ito ng China, na pinakamalaking kasinungalingan at kathang isip dahil walang bansa sa mundo ang naniniwala sa kanilang mga naratibo. | ulat ni Jaymark Dagala