Itinaas na sa 30 kilo mula sa 10 kilo ng bigas ang alokasyon para sa vulnerable sector kada buwan na mabibili sa halagang P29 kada kilo.
Ito ang inanunsiyo ni Palace Press Officer at PCO Undersecretary Atty. Claire Castro sa harap ng tulong na pinagkakaloob ng pamahalaan sa mga senior citizen, persons with disabilities, solo parents, at mga indigent.
Ayon kay Atty. Castro, may sapat na budget allocation ang gobyerno para pondohan ang nasabing program na naglalayong maasistehan ang vulnerable sector sa kanilang pangangailangan.
P5 bilyon sabi ni Castro, ang inilaang pondo para sa P29 Rice Program na kung saan ang buffer stocks ng NFA ay mairi-release.
Mabibili ang mababang halaga ng bigas sa lahat ng Kadiwa ng Pangulo stores. | ulat ni Alvin Baltazar