Nilinaw ni Alyansa para sa Bagong Pilipinas Campaign Manager Congressman Toby Tiangco na hindi pa niya nakakausap si Senadora Imee Marcos kaugnay ng pagsama nito sa pangangampanya ng kanilang grupo.
Sa isang panayam kasi ay sinabi ni Senadora Imee na naiilag na siyang sumama sa mga campaign rallies ng alyansa kasunod ng nangyaring pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa pulong balitaan sa Trece Martires, Cavite sinabi ni Tiangco na wala pa namang sinasabi sa kanya ang senadora.
Pero kung ito aniya ang paninindigan ni Senadora Marcos ay rerespetuhin nila ito.
Sinabi pa ni Tiangco na mainam na ring sinabi ito ng senadora para alam nila ang posisyon ng re-electionist senator. | ulat ni Nimfa Asuncion