Kinumpirma ni Alyansa Para sa Bagong Pilipinas campaign manager at Navotas Representative Toby Tiangco na ipinagpaliban muna ang campaign rally ng administration slate sa darating na Biyernes at Sabado.
Ito ay para magbigay-daan at hayaan ang senatorial bets ng Alyansa na makapangampanya sa mga lokal na pamahalaan.
Sa March 28 na kasi ang simula ng local campaign at marami aniya sa kandidato ng Alyansa ang inimbitahan sa mga local proclamation rallies.
“Some Alyansa candidates have been invited to attend local proclamation rallies, which are typically held on Fridays and Saturdays. With the start of the local campaign on March 28, they’ve received multiple invitations they wish to accommodate,” ani Tiangco.
Una nang sinabi ni Tiangco sa isang pulong-balitaan na magandang oportunidad para sa Alyansa candidates na makapangampanya sa grassroot level kasama ang LGU.
Kaya naman ipinagpaliban na muna ang dapat sana’y campaign rally sa Bulacan at Pampanga.
“We decided to postpone our scheduled rallies to give way to these local events and allow candidates to engage directly with local leaders and communities,” sabi pa ni Tiangco.
Mula nang mag-umpisa ang kampanya noong Pebrero ay nakaka-11 campaign rally na ang Alyansa. | ulat ni Kathleen Jean Forbes