Nangako si Alyansa Senatorial candidate Manny “Pacman” Pacquiao na isusulong nito ang “Bicol Express Progress” para sa pag unlad ng Bicol region.
Ang kanyang campaign promise sa kanyang pag bisita sa Bicol Region– walang maiiwan sa biyahe ng pag-unlad.
“Ang laban ko, laban ng bawat Pilipino! At dito sa Bicol, sisiguraduhin nating walang maiiwan sa biyahe ng pag-unlad!” ani Pacquiao.
Sa ilalim ng kampanyang “Bicol Express Progress,” isinusulong niya ang mabilis at epektibong transportasyon, mas maayos na imprastraktura, at pangmatagalang pag-unlad para sa mga Bicolano.
Kabilang sa apat na pangunahing programa ng dating senador sa Camarines Sur ang pagpapalakas ng agrikultura, pangisdaan, at imprastraktura upang lumikha ng mas maraming hanapbuhay, programang pangkabuhayan, kabataan at palakasan at kahandaan sa sakuna. | ulat ni Melany Reyes