Idineklara ng Malacañang ang April 1, 2025, araw ng Martes, bilang regular holiday sa buong bansa.

Ito ang kinumpirma ni Executive Secretary Lucas Bersamin ngayong Huwebes ng gabi, March 20.
Ito, ayon sa kalihim, ay upang bigyang daan ang obserbasyon ng Eid’l Fitr ng Muslim community.
Ang Proclamation no. 839 ay pirmado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ika-20 ng Marso, 2025. | ulat ni Racquel Bayan