Matapos masunog noong 2023, muling itatayo ang bagong Pritil Public Market sa Tondo, Maynila.
Kung dati 500 stalls lang ang kapasidad, ngayon, mas malaki na ito na may 669 stalls.
388 dito ay sa dry stalls, 281 ay sa wet stalls.
Meron na rin itong dry storage, at ice storage, parking space na kasya ang 114 kotse at 40 motorsiklo.
Sa ground breaking ceremony, sinabi ni Manila Mayor Honey Lacuna na tinapos na ang chismis dati na gagawin ng pribado ang Pritil Market.
Giit ng alkalde, mananatiling pampubliko ang nasabing palengke, na may mababang renta, makakatulong sa mga nagtitinda, at makakatulong sa mga costumers.
Pinondohan ang itatayong bagong Pritil Public Market ng P283.63 million na inaasahang matatapos ang konstraksyon sa October 2026. | ulat ni Don King Zarate