Pansamantalang isasara sa mga motorista ang bahagi ng Balintawak Cloverleaf at Balintawak Toll Plaza sa Quezon City simula bukas ng gabi, Martes, March 18.
Ito ay para bigyang daan ang ang Roadway Lighting Repair Works sa nasabing lugar na may habang 200 metro.
Sa abiso ng NLEX Corporation, apektado ng pagsasara ang parehong lane 1 ng Northbound at Southbound ng Balintawak area.
Gagawin ang repair works tuwing gabi mula 10:00 AM hanggang 4:00AM , simula bukas, March 18, hanggang March 25.
Ngayon pa lang humingi na ng kooperasyon at pang-unawa sa mga motorista ang pamunuan ng NLEX Corporation. | ulat ni Rey Ferrer