Inanunsiyo ng Department of Agriculture (DA) na nai-endorso na nito sa Food and Drug Administration (FDA) ang bakuna laban avian influenza.
Ayon kay DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, sunod na hihintayin ng DA ang go signal mula sa FDA kung maiisyuhan na ng Certificate of Product Registration (CPR) ang bakuna.
Gaya naman ng bakuna kontra ASF, inaasahan ng DA na isasalang muna sa controlled vaccination ang AI vaccine na pangangasiwaan ng gobyerno.
Una na ring ipinanawagan ng poultry industry sa DA na pabilisin ang procurement ng avian flu vaccine sa bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa