Posibleng ipagpatuloy ang pagbaba ng interest rate sa Abril ayon kay BSP Governor Eli Remolona.
Sa isang panayam kay Remolona ng international TV sa sidelines ng HSBC Global Investment Summit, maaaring umabot sa 75 basis points ang kabuuang pagbawas ng interest rate ngayong taon pero nakadepende ito sa datos.
Gayunpaman, binigyang-diin niya na may mas mataas na panganib ito sa inflation para sa 2025 at 2026.
Matatandaang huling binaba ng BSP ang borrowing costs noong Disyembre, ngunit huminto ito dahil sa pagluwag sa policy noong Pebrero.
Samantala, bumagal ang inflation noong Pebrero at nananatili sa loob ng target na 2-4 porsyento sa loob ng pitong magkakasunod na buwan.
Sa foreign exchange market, lumakas ng halos isang porsyento ang Philippine peso laban sa US dollar ngayong buwan.
Samantala, epektibo na sa Biyernes ang 200 basis point cut sa reserve requirement ratio (RRR) ng malalaking bangko. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes