Mariing kinokondena ni House Deputy Minority leader at Basilan Rep. Mujiv Hataman ang pinakahuling pag-atake at pambobomba ng Israel sa Gaza na nagresulta sa pagkamatay ng napakaraming inosenteng sibilyan, kabilang na ang mga kababaihan at mga bata.
Sa kanyang inilabas na statement sinabi nito nanakakapanggalit ang mga pag-atakeng dahil isinagawa ito sa banal na buwan ng Ramadan – panahon ng kapayapaan, pagninilay at panalangin para sa mga Muslim sa buong mundo.
Aniya sa kabila ng umiiral na tigil-putukan, patuloy pa rin ang walang habas na pambobomba ng Israel.
Ayon pa sa Mindanao solon, dapat kumilos agad ang pandaigdigang komunidad, lalo na ang mga bansa at organisasyong nagsusulong ng karapatang pantao at katarungan.
Nanawag din si Hataman sa mga kapwa mambabatas na tumindig sa tamang panig ng kasaysayan. | ulat ni Melany Reyes