Sa kaniyang pagbisita sa Kampo Aguinaldo ngayong araw, binigyang diin ni Hegseth na simula pa lamang ito ng mas malalim na ugnayan ng dalawang bansa.





Tinutukan sa naging pagpupulong nila Hegseth at Teodoro ay ang defense industrial coopeative efforts kung saan ay kapwa tinukoy ang mga prayoridad para sa pagpapa-ibayo ng kooperasyon gaya ng:
- Unmanned systems (production; logistics)
- Ammunition components/energetics (storage; All-Up Round production, logistics)
- Critical minerals (refinement)
- Logistics support
- Ship maintenance and repair
- Airspace integration
- Additive manufacturing (3-D printing)
- Aircraft maintenance and repair
- System components and spare parts production
Nais naman nila Hegseth at Teodoro na gamitin ang mga prayoridad na ito para sa pagpapaunlad ng ugnayan sa ilalim ng Philippines Self-Reliant Defense Posture (SRDP) Revitalization Act. | ulat ni Jaymark Dagala