Tiniyak ng Quezon City Government na magtutuloy-tuloy lang ang libreng sakay nito sa pamamagitan ng Q City Bus sa harap ng transport strike ng grupong Manibela.
Ayon sa local government, mananatili ang biyahe ng Q City Bus sa walong ruta sa lungsod para alalayan ang mga posibleng maapektuhang pasahero.
Bukod dito, may nakaantabay din na iba pang sasakyan mula sa iba-ibang ahensya ng lokal na pamahalaan sakaling kailanganin ng publiko.
Magpapakalat din ng traffic enforcers mula sa Traffic and Transport Management Department (TTMD), upang alalayan ang mga motorista at pasahero, na posibleng maapektuhan ng mga aktibidad sa transport strike. | ulat ni Merry Ann Bastasa