Naging bahagi ang Bureau of Customs (BOC) ng ika-37 na pagpupulong ng ASEAN Customs Enforcement and Compliance Working Group (CECWG) sa Phuket, Thailand.
Pinangunahan ni Deputy Commissioner Atty. Teddy Sandy Raval ang delegasyon ng Pilipinas, kasama ang iba pang opisyal mula sa iba’t ibang dibisyon ng BOC.

Tinalakay sa pulong ang pagpapatibay ng seguridad sa international supply chain, pagpapalakas ng lehitimong kalakalan, at paglaban sa smuggling at iba pang paglabag sa Customs.
Inilahad din ng Pilipinas ang kanilang mga karanasan sa pagpapatupad ng Customs laws at Post Clearance Audit, na tugma sa layunin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mapabuti ang tax collection at palakasin ang ekonomiya.

Anila, ang pakikilahok ng BOC sa ASEAN Meetings ay nagpapakita ng kanilang dedikasyon sa pagsugpo sa smuggling at pagpapatibay ng mga patakarang pangkalakalan.
Dagdag pa ng Customs, alinsunod ito sa 5-Point Priority Program ni Commissioner Bienvenido Rubio, na layong gawing mas epektibo at ligtas ang proseso sa Customs. | ulat ni Lorenz Tanjoco
