Maaari nang bumili ng hanggang 30 kilo kada buwan ang mga benepisyaryo ng “₱29” program ng pamahalaaan.
Ito matapos itaas ng Department of Agriculture (DA) ang monthly rice allocation para sa vulnerable sector na nakikinabang sa “₱29” rice program.
Kabilang sa pasok rito ang mga senior citizens, persons with disabilities, solo parents, at indigents.
Kasunod nito, hinikayat ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang publiko na samantalahin ang bagong polisiya na palalawakin sa buong bansa sa lalong madaling panahon.
“We urge you to take advantage of this new policy, which responds to the calls from our financially-challenged fellow citizens for greater access to more affordable food, especially rice,” ayon sa kalihim.
Ang ₱29 kada kilong bigas ay mabibili sa mga KADIWA ng Pangulo stores at centers. | ulat ni Merry Ann Bastasa