Pormal nang itinurn over ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan ang mga bagong sasakyan at kagamitan sa Caloocan City Police at Bureau of Fire Protection.
Isang police patrol vehicle ang ipinagkaloob sa pulisya bilang karagdagan sa walong sasakyang naunang ibinigay ng LGU.
Sa panig ng mga bumbero, binigyan din sila ng isang ambulance vehicle.
Bukod pa rito, ipinagkaloob din ang iba’t ibang kagamitan na magagamit ng pulisya at bumbero sa kanilang mga operasyon.
Naniniwala naman ang Caloocan City Police at Bureau of Fire Protection na malaki ang maitutulong ng mga bagong kagamitan sa pagpapabuti ng kanilang serbisyo sa publiko. | ulat ni Rey Ferrer