Patuloy ang pamamayagpag ni Caloocan Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan sa survey, kontra sa kanyang katunggali sa pagka-alkalde ng Caloocan na si dating Senador Antonio Trillanes.
Sa inilabas na resulta ng survey na isinagawa ng Social Weather Stations, 85% ng mga residente ang nagsabing muling iboboto bilang alkalde si Malapitan kung ngayon gaganapin ang halalan
Samantala, nasa 10% ang nakuhang suporta ni Trillanes.
Nito lamang Pebrero 2025, naglabas din ang SWS ng survey kung saan sumipa sa 75 ang net trust rating ni Malapitan. | ulat ni Merry Ann Bastasa