Isasagawa ngayong Abril ang libreng Operation Tuli sa mga health center sa Lungsod ng Maynila, bilang bahagi ng programang pangkalusugan ng lokal na pamahalaan.
Mula Abril 8 hanggang Abril 25, 2025, bukas ang health centers para sa mga batang nais magpatuli, maliban sa mga holiday sa Abril 9 at 16 hanggang 18.
Ayon sa Manila Health Department, kinakailangang magparehistro muna ang mga interesadong bata sa pinakamalapit na health center sa kanilang lugar sa darating na Marso 31, 2025. Ipinaalala rin ng ahensya na ang operasyon ay first come, first served basis, at walang walk-in na tatanggapin.
Para sa kumpletong iskedyul at iba pang detalye, maaaring bisitahin ang opisyal na Facebook page ng Manila Health Department. | ulat ni EJ Lazaro
