Bumaba ng 18.4% ang crime rate sa buong bansa sa nakalipas na 70 araw.
Ayon kay PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil, bumaba sa 7,301 ang bilang ng focus crimes na naitala mula January 12 hanggang March 22, 2025, kumpara sa naitalang 8,950 na focus crimes noong November 3, 2024, hanggang January 11, 2025.
Kabilang sa mga kasong krimen na bumaba ang murder, homicide, physical injury, rape, theft, robbery, at pagnanakaw ng mga sasakyan.
Naitala ang malaking pagbaba ng crime rate sa National Capital Region, Calabarzon, at Central Visayas.
Tiniyak ng PNP na patuloy nitong paiigtingin ang mga hakbang sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, lalo na sa nalalapit na 2025 midterm elections. | ulat ni Diane Lear