Muling magsasagawa ng isang joint market monitoring ang mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) sa Quezon City.
Regular na aktibidad ito ng DA at DTI na layong mahigpit na subaybayan ang presyo at suplay ng mga pangunahing bilihin sa mga pamilihan.
Pangungunahan nina DA Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr. at DTI Secretary Cristina Roque ang gagawing inspeksyon mamayang alas-8 ng unaga sa Mega Q-Mart.
Kasama sa sisilipin dito ang presyo ng mga pangunahing bilihin kasama ang karneng baboy, manok, gulay, pati na ang bigas.
Inaasahang babantayan din ang compliance ng mga nagtitinda sa ipinatutupad na maximum suggested retail price sa bigas at baboy. | ulat ni Merry Ann Bastasa